Archive for pain

Rain… just go away.

If you think hard enough, some of the moments that captured
your senses will come back to you.

As I was sorting out my files, the rain noisily tapping on my window, drops of water coming down from my ceiling to my wet floor covered in scraps of paper, I came back to the times that I smelled the air exactly like how i’m smelling it now.

A day in Batangas… a day in Shangrila… a day in Tagaytay…

Previous trips with different people during different occasions.

What’s difficult is, together with the smell of rain, the hurt came back to haunt me. And it came back with a flood of tears.

I got up and went to the veranda… Looked up and wished there were stars that night. Stars always made me a little happy. But today, the rain clouds them. I felt alone. I shivered and crawled under the blanket, closed my eyes, and pretended that it was not rain that was tapping on my window… that I was shivering from a different kind of cold… I chose to think of it, for I know it wouldn’t bring back any memory.

As I drifted off to sleep, I tried to picture myself on top of a hill… twirling under all the glowing white…

It was snowing.

It did not rain today. But my floor’s still wet. My ceiling still gives out little drops of water every now and then. Much like how pain resides in your heart, and chooses opportunities like a change in weather to make itself known.

when i feel that all there is left is pain…

i sometimes feel that the world is conspiring on me. almost every aspect of my life, there’s something wrong. i will not say that i was never happy. maybe the thought that helped me throughout life was the thought that i don’t count heartaches or happiness as a whole. what really matters to me is that there were moments that i was happy, moments that i was lonely.

it’s been four days since i felt so sad… and again, today… i just realized that it was time to move on… that there is no hope for that particular aspect in my life, and i have to accept it already.

i know of people who are also hurting. those who are in so much pain that they wanted to inflict pain to themselves as well. i will not frown upon those people, i will not stand as a righteous bitch. mainly because i was once one of them.

i thought if i am to end my life by my own hand… if i were to die by my own terms… what would it do to my family? what would it do my children? they might even think that it’s ok to do it when the time comes that they have problems of their own…. i also thought, what’s the purpose of having a God to talk to?

with these thoughts, i made a solemn promise…

i will not inflict physical pain upon me, or my family…

all i need to do is PRAY…

when i feel that all there is left is PAIN…

ayoko na ba?

ito ang isang tanong na hanggang ngayon ay hindi ko masagot ng tama.

ayoko na ba?

ang totoo niyan, ewan. ito siguro ang pinaka-honest na sagot na mabibigay ko. sa karamihan, napaka-tanga ko na.

ang mga madalas kong naririnig:

ewan ko sayo!

bahala ka… tagal ko ng sinasabi sayo, di na magbabago ang asawa mo.

o, kitam? di kinain mo rin sinabi mo. may pa-people-change people change ka pa dyan.

marami na sa mga kaibigan at kapamilya ang nagpapamukha sa akin ng katangahan ko. maitatanong niyo, ganun ba siya kasama?

hm.

hindi naman. eto, totoo.

hindi naman siguro siya kasingsama ng mga asawang pastym ang mambugbog ng asawa, o magsugal, o maglasing, o magsugal, o magdroga.

hindi naman siya nagnanakaw, o pumapatay.

pero, hindi ako masaya. lagi na lang akong hindi masaya. madalas naiisip ko, ako na ata ang may problema.

sabi nga nila, ang hirap kasi niyan, pareho kayong matalino… kaya ayan! ang tataas ng pride niyo… lagi kayong nagpapatalbugan… sinong mas magaling na magulang kanino? sinong mas maraming nabibili? puro kayo payabangan.

totoo din yun.

ako, kaya lang naman ganun, dahil sa mga naririnig ko, lalo na sa nanay niya… sa mga bintang niya sa kin, sa mga sinasabi niyang wala naman akong nagagawa.

isa siguro sa mga masakit na sinabi niya sa kin ay eto:

puro ka yabang, wala naman. asan ka na ngayon?

nandito.

kung mayabang ako, ni hindi na sana kita kinakausap sa telepono. e di sana, hindi na ako humihingi sa yo ng tulong.

bakit ba ako nagagalit? hindi ko rin alam… siguro dahil hindi siya yung taong para sa kin… pero, alam ko naman… tanggap ko…

sinong gago ang papatol pa sa gaya ko?

hello!

31 na ko.
tatlo na anak, special pa yung isa.
di na ko pwedeng magka-anak.
di ako maganda.
di ako sexy.
di ako flawless.

wala na talaga. at iilan pa lang yan sa mga pangit na katangian ko.

pero naisip ko rin, parang okay na lang ang mag-isa, kesa sa mabuhay ng malungkot… laging may galit sa puso… laging may duda sa isipan…

hanggang kelan ba ako ganito?

ang gusto ko lang naman, isang tao na:

~ makikinig sa kin ng totoo, yung hindi nagkukunwari.
~ yung irerespeto ako
~ yung hindi gagawin yung ayaw ko
~ yung mahilig magbasa, para may makausap ako
~ yung responsable at hindi ko na kailangang isipin kung may kakainin pa bukas, bayad na ba kuryente, PLDT, MWSS, credit cards… kasi siya yung nagiisip nun para sa kin
~ yung yayayain akong manood ng sine tuwing may bagong palabas
~ yung dadalhin ako sa boulevard para lang makita ang paglubog ng araw
~ yung hindi mahihiyang hawakan ang kamay ko pag naglalakad kami
~ yung susuportahan ang napili kong propesyon
~ yung kasama ko laging magsimba
~ yung sasama sa kin, kahit san ako tumira
~ yung ipaglalaban ako sa pamilya niya
~ yung may pakialam sa mga anak niya
~ yung sasama sa lahat ng tagumpay at kasawian naming magiina.
~ yung hindi ako sasaktan at pagbubuhatan ng kamay
~ yung hindi titingin sa ibang babae lalo na’t kaharap ako
~ yung hindi ipamumukha sa kin na may isang babaeng tumutulong sa kanyang magbago, at hindi ako yun (sobrang napakawalang silbi ko naman pala talaga)
~ at lalo na, yung hindi sex ang laging nasa isip. na gagawin akong parausan. everytime.

leche.

meron pa bang ganitong lalake ngayon? alam ko meron. pero hindi siya yung pinakasalan ko. hindi siya yung nakilala ko. hindi siya yung nagkagusto sa kin. hindi siya yung nagsabi ng I LOVE YOU. hindi siya yung nagbigay sa kin ng mga anak.

hay…. taena.

ano bang klaseng buhay ang napuntahan ko? para na lang akong sirang plaka. on. off. laging ganito… paikot-ikot… hilong-hilo na ko…

bakit ba mahirap sa kin ang magdesisyon? kasi hindi lang ako nagdedesisyon ng para sa sarili ko lang… may tatlo pang taong maaapektuhan… silang hindi makakapagdesisyon para sa sarili nila…

kung naging maayos lang sana siyang kausap… yung tuwing aayaw ka, hindi niya iisipin, kasi may lalake ako… na hindi na naman daw bago…

ang lakas din naman ng tama mo!!!! ano’ng feeling mo? hindi ako pwedeng umayaw ng dahil lang sa ayoko na??? dahil sa ugali mo? dapat ba laging may third party?

ganito ba lahat ng lalake? kasi kung ganito sila lahat magisip, ayoko na talagang mainlove ever!

masaya naman ako ng walang lalake no… at bakit hindi? may mga anak akong nagpapasaya sa kin… sa ngayon, sila lang ang buhay ko… sila lang ang nagdudulot ng ngiti sa kin… sa lahat ng hirap na dinanas ko, sa lahat ng pagod… isang ngiti lang nila, napapawi lahat. naglalahong parang bula.

siguro, dito talaga lamang ang mga babae kesa sa lalake… ang ability na maging masaya kahit wala sila.

hay…

kung tatanungin mo ko ulit…

ayoko na ba?

ewan pa rin ang isasagot ko.

yosi o gunting?

naiintindihan na kita. and i failed the person that made me live a new smokeless life.

hindi ko na kaya ang buhay. masyadong mapanukso. masyadong unfair.

kahapon, nasa loob ako ng aparador ko, naririnig ko ang boses ng isang hayop na kumakatok sa pintuan ko. hindi ko ito ininda. hawak ko ang gunting sa aking kanang kamay at nakatutok ang talim nito sa aking kaliwang braso. isang hila ko lang sigurado ako, maraming dugo ang sisirit at lalabas. isang oras lang malamang, hindi na ko hihinga.

nabitawan ko yung gunting, basang basa na ng luha at pawis ang mukha ko… tiningnan ko ang aking mga kamay. hindi ko na malaman kung ano pa ang iisipin para magbago ang isip ko.

hangga’t makita ko ang mga palad ko. nakita ko ang nunal sa aking palad. nakita ko ang mga nunal pang nakakalat sa aking mga kamay. at inisip ko na maraming tao pa ang nagmamahal sa kin. bakit ko to gagawin?

masakit isipin na wala akong kwenta. masakit isipin na hindi ako kawalan sa mundo. pero yun ang totoo.

tumigil ang mga katok at sigaw. tumahimik ang lahat.

pinulot ko ang gunting at muling tinangkang tapusin ang lahat. dumaloy ang dugo pero wala akong naramdamang sakit mula sa kamay ko…. ang sakit na nararamdaman ko ay nasa puso at utak ko.

hangga’t napatingin ako sa kanto ng pinagtataguan kong aparador.

gusto kong sumigaw. gusto kong tanungin ang Diyos kung nagpapatawa ba siya o nanga-asar.

isang stick ng yosi.

pinulot ko. sa kanang kamay, gunting. sa kaliwa, yosi.

nalagyan na ng dugo ko ang yosi, pero hindi ko na ito ininda. gusto kong tumawa ng malakas, pero hindi naman ako baliw. gusto kong magmura pero walang salitang lumabas sa bibig ko.

magaling ka talaga, Lord. ang galing mong magbigay ng solusyon sa lahat ng problema. binigyan mo ko ng palaisipan.

“anong mas gusto mo, yosi o gunting?”

tumayo ako, aktong lalabas ng pinto para pumunta ng kusina at magsindi. wala akong pakialam na may dugong dumadaloy sa aking kamay. bago ako makarating sa pinto, nakita ko ang altar sa kwarto.

nanginig ako. naiyak na naman. parang nabuhusan ng malamig na tubig.

hindi dahil nakita ko ang mukha ng Diyos, o ng Ina niya, o ng Krus.

kasi, nakita ko sa mesang pinaglalagyan nila, ang lighter na tinapon ko na nung isang araw. nung nagbitaw ako ng salitang hindi na ko magyo-yosi, tinapon ko nang lahat ng yosi at lighter sa bahay. lalong lalo na ang berdeng lighter na yun. unang-una ko yung tinapon.

pero, nandun siya sa harap ko ngayon. sa tapat ng mga debuho ng Panginoon.

nabitawan ko ang gunting at naluhod. kinuha ang lighter at nagsindi. ninamnam ang siguro ay kahuli-hulihang stick ng yosi na aking matitikman. pero hindi na ko nangangako ngayon. alam ko, habang merong gunting sa kwartong ito, sigurado ako, biglang may lalabas na yosi para magising ako.

pagkatapos kong ubusin ang stick, pinatay ko ang apoy at nilagay ang natitirang stick sa isang lalagyan. importante siya sa kin. at itatago ko siya. isang ala-ala ng aking kahinaan, at ng aking pagkagising sa isang kalokohan.

Patawad po.

sa mga araw na hindi mo na alam ang gagawin mo

syempre pa… malungkot na naman ako… lagi naman eh… nagtext ng nagtext sa akin ang asawa ko… hindi ko siya masagot dahil nasa guard ang celfones namin… marami siyang sinabi na hindi ko alam kung magagalit ako… matatawa… o iiyak…

nagsimula yun nung April 18. 10th year wedding anniversary namin yun… hinintay ko buong araw na magtext siya sa kin… not to greet me… kahit man lang i-acknowledge niya what day it was…

when i woke up, there were missed calls registered, but no text messages.

i waited.

nothing.

then he texted. asked me what time should he suppose to pick me up since there was an ongoing ’strike’.

when we were on our way home… he still said nothing.

when i was at home, i texted him this:

i waited for u all day not to greet me… but just to acknowledge what day it was… c? even you don’t give a damn.

tapos tumawag siya… nagexplain… hindi raw niya nakalimutan… in fact tinatawagan pa nga raw niya ako nung morning…

sympre hindi ako naniwala… sabi ko sa kanya it doesn’t matter…. ano ba naman yung 10th year anniversary? hindi naman ako naging masaya sa buong 10 years.

nagalit syempre.

the next day he texted me this:

just want to let u know na di ko nakalimutan. God knows.

pasensya. hindi ako naniniwala na alam ng Dyos ang lahat. kung alam niya eh bakit pa tayo nagdarasal?

ngayon, kung ano-ano na naman ang nabasa ko… can’t he just leave me alone? can’t he see that i am so lonely with him?

i know.. kasalanan ko to… it always have been… im stupid. STUPID.

mom and pop will be leaving on Friday… nagdinner kami ni mama at ng friends niya kahapon… we ate at Ebun… sabi ng tita ko, kawawa naman daw ako at wala na akong mommy… iiyak daw ako…

yes. i will. i will cry buckets of tears. as i always do since i knew that they will be leaving…. but what can i do? kelangan eh. mas gusto ko na rin na umalis sila dito… kesa andito sila at namomroblema… i just wish them well…

i wish them happiness.

Micah texted me today, that she saw turtle earrings sa San Pablo… and she asked for my mailing address…. i thought this was so sweet of her… i know she’s been reading this… just want to thank you…

at least u have a glimpse of what’s troubling me… that’s why i told you that you made my day.. sobra.

Anubis–salamat din ng marami… salamat sa release… salamat sa oras… salamat sa pagbabasa ng IM ko… salamat sa pagbabasa ng iniisip ko… salamat sa ‘hah!’… salamat talaga…

and remember: silence will get u nowhere.

Mai–salamat din kasi u always put up with me… alam ko minsan naaasar ka na… pero wala akong paki, aasarin pa rin kita… alam ko namang mahal mo ko eh… at kaya mo akong pagtyagaan…

Anne–thanks for being a sweet kid.

Erika–thanks for being nice, and remembering to send me a message when the date changes.

salamat sa inyong lahat. dahil sa inyo, i survived the day.

i am not over everything.

Image Hosted by ImageShack.us gusto ko tong ipa-tattoo sa likod ko.

wala lang.

naiinis ako! potah… please lang… don’t text… don’t expect me to be there, sabi nga ni Cyndi Lauper. nawalan tuloy ako ng ganang mag-work.

alam niyo ba na may ibig sabihin ang mga katagang ‘wala lang’ subconsciously?

ewan…. itanong niyo sa buwan.

WALA LANG.

isang sulat na puno ng sumbat

bakit hindi na ako masaya? bakit hindi ko na kayang halikan ka? ano bang nangyari sa ating dalawa?

gusto kong kalimutan lahat, pero ayaw maalis sa utak ko yung mga imahe ng nakaraan. ayaw maalis yung sakit, yung yamot. at nadadagdagan pa, kasi hindi ko nakikita yung effort. wala akong nakikitang magandang ginagawa mo. kung meron man, it comes and goes swiftly. walang continuance. walang follow-up.

siguro, i’m blinded by hatred and pain.

tuwing umuuwi ka sa bahay, ang lagi ko lang naiisip, gusto mo lang dun, kasi gusto mong magparaos. ang sama ko di ba? pero yun talaga nararamdaman ko. kasi tuwing andun ka, hindi mo naman ako kinakausap ng tipikal na “how was your day?” hindi ko nararamdaman na gusto mo lang umuwi kasi gusto mo kaming makita, o makasama.

hindi ko narinig ni minsan na tanungin mo sa kin kung may kailangan ba ang mga bata. hindi mo rin kinakamusta kung may gatas pa ba si Letku. Hindi mo tinatanong kung may development ba kay Kuya. Hindi mo tinatanong kung nagawa na lahat ni Bochog yung assignment niya. kahit man lang sa tanong, makita ko, maramdaman ko na concerned ka sa min, hindi lang sa puson mo. hindi mo ba naiintindihan, na minsan kapag niyayakap kita, kelangan ko lang ng yakap na sukli? hindi ko kailangan ang ano pa mang mas matindi sa yakap.

hindi ko na naririnig na sabihin mong mahal ko ako. ni hindi mo na naiisip na uwian ako ng croissant pag nagmi-meeting kayo sa head office. hindi mo na rin ako tinetext dahil wala lang, naisip mo lang. hindi mo na rin ako nililibre ng sine, kasi sabi mo sayang ang pera. hindi mo ako sinasamahang mag-simba o mamili. hindi mo na ko sinasama sa palengke. hindi mo na ko sinusubuan kapag kumakain. hindi mo na ako pinagluluto ng fish fillet. hindi mo na ako binibigyan ng sulat.

kung may kailangan ako o ang mga bata, lagi na lang wala kang pera. pero kung may kailangan sa kotse mo, minsan kahit hindi kailangan, kaya mong i-swipe ang credit card mo.

tapos tatanungin mo ko, meron ba akong ginagawa para sa mga bata na hindi mo rin ginagawa? hindi kita sinagot noon. kasi iniisip ko, kung hindi mo alam ang sagot sa tanong mo, malamang wala akong kwentang ina.

hindi ko alam kung gumagawa ka rin ng project ni Bochog sa school, kasi sa pagkakaalam ko, ako ang gumagawa. Hindi ko alam kung tinuturuan mong magsulat si Letku, kasi sa pagkakaalam ko, hanggang ngayon hindi pa rin siya marunong. hindi ko alam kung pumupunta ka sa mga PTA meetings ng mga bata, kasi tuwing andun ako, hindi kita makita. hindi ko alam kung binibili mo sila ng bagong damit o sapatos, kasi puro na lang yung mga binili ko ang sinusuot nila. hindi ko alam kung bumibili ka ng gatas, kasi tuwing nasa inyo si Letku, humihingi pa siya sa bahay. hindi ko alam kung dinadala mo sila sa doktor para magpa-check-up kasi ang alam ko, ako ang kasama nila. hindi ko alam kung tinatanong mo ako kung kailangan ko ng pera pambili ng mga baon ng mga bata, kasi wala akong naririnig. marami akong hindi alam na ginagawa mo, pero alam ko na ginagawa ko.

pero bakit ko nga ba isusumbat sa yo lahat yun, eh responsibilidad ko rin yun bilang nanay nila?

bakit ko nga ba dapat ikumapara ang relationship natin sa ibang happy couple eh iba-iba naman ang tao?

siguro kasi, sawa na akong maging malungkot. hindi ko alam. hindi ko na talaga alam.

madali lang naman akong pasayahin. hindi ko naman hinihingi ang langit at lupa. ang gusto ko lang, ibalik mo yung lalaking nakilala ko noon. yung lalaking kausap ko sa telepono ng apat na oras, kahit siya lang ang nagsasalita at tahimik lang ako. yung lalaking nagiisip pa ng joke para lang marining niya akong tumawa. yung lalaking nagpapaalam pa kapag lalabas kasama ng mga kaibigan niya. yung lalaking hindi sasama sa lakad na yun kung hindi ako papayag.

Sa April 18, sampung taon na tayong kasal. Sa August 4, 14 years na tayong magkasama as one. matagal na tayo. hindi ko alam kung hanggang kelan ko pa kakayanin na maging kasama mo.

isa lang ang sigurado ako, i am trying. HARD. I hope you know that.

hindi ko na hiling ang pera, hindi ko na hiling na makasama ka sa iisang bubong. hinihiling ko na lang, ibalik mo sa kin yung dapat na akin. kasi hindi akin yung bagong ikaw. hindi siya ang minahal ko. kung san mo man siya tinago, please lang pakibalik mo na siya sa kin. dahil naging malungkot ang buhay ko nung nawala siya.

kung meron mang mga lalakeng magbabasa nito, isa itong message in disguise. please don’t take ur women for granted. wag kayong magbago. wag niyong baguhin porket kasal na kayo.

wag kayong mambabae at iisipin na kasalanan namin kasi hindi na kami sexy. eh, puta, kayo ba sa tingin niyo sexy pa? please lang. pinagtyatyagaan na lang din namin kayo.

tsaka wag niyong ipagpalit ang asawa niyo sa kotse. what’s with men and cars? Fuck that. sa sobrang pagmamahal ninyo sa kotse niyo, pag kayo nagaway ng misis niyo, masasabi na lang niya na sana mabangga ka.

at kung pwede, kapag hinihiwalayan kayo ng asawa niyo, wag na kayong mambintang. wag ng isipin na hindi kayo pwedeng hiwalayan just because we fell out of love. wag ng isipin na siguradong may third party. in other words, wag niyo kaming igaya sa inyo. ang mga babae, made of a thicker shell.

you know what you should do? you should not waste your time thinking negative things and hurling accusations at us… waste your time changing for the better and making us see that you are worth keeping. tigilan ang pagdududa. puro kayo duda pero kayo naman ang nambababae.

and please, NEVER look at another woman lalo na kung kasama ninyo misis nyo. your sideway glance na kunwari may tinitingnan kayong iba does not work. malakas ang radar namin.

and don’t give us that “sa amin walang mawawala” crap. puta, that’s too old school. sa inyo pa lang nawala na, naibigay na namin. sa inyo ang may nawawala na dapat ay sa amin napupunta, nilalabas niyo kasi sa iba.

at higit sa lahat, wag na wag ninyong pagbuhatan ng kamay ang misis nyo. kahit humupa ang pasa, kahit maghilom ang sugat… hindi maaalis ang sakit.