Type mo bang mag-volunteer for special children? O baka naman type ito ng kapatid, pinsan o kaibigan mo? Open din ito sa mga professionals na may ORAS sa ganitong mga GAWAIN; lalo na sa mga college students na libre pag summer.
Puwede rin ito bilang seminar para sa mga mga guro sa regular at special schools,
social workers, PT/OT, nurses, parents at sino mang nagnanais ng pagsasanay sa paghawak at pag-aaruga sa mga batang may kapansanan.
Join na kayo sa orientation on February 8 at training starting on February 15 to April 12 (tuwing Sunday lang), 8:00 a.m. to 6:00 p.m.sa Isaac Lopez Integrated School, Ilino Street, Vergara, Mandaluyong City. Punta kayo sa lugar na nabanggit at hanapin lang si Kuya Jherrie, Kuya Archie, Ate Virna, at Ate Sheen. Ito ang mga paraan para makarating sa lugar:
1. Quiapo, Sampaloc, Sta. Mesa and Pasig areas, take Pasig-Quiapo jeep, baba sa Kalentong (via Shaw Boulevard), take another jeep (sign board Vergara), baba sa mismong school (the only high rise building to your right).
2. North areas via EDSA Boni Avenue, take jeep (sign board Gabby’s), baba sa San Felipe Nery Church, tawid and take another jeep (sign board Vergara), baba sa mismong school (the only high rise building to your left).
3. South Areas via EDSA Pioneer (Opposite Boni Avenue), take jeep (sign board Gabby’s) sa Robinson’s Pioneer, baba sa San Felipe Nery Church, tawid and take another jeep (sign board Vergara), baba sa mismong school (the only high rise building to your left).
4. Taft Avenue, take Sta. Ana tulay jeep from Pedro Gil, baba after Sta. Ana tulay and then sakay ng jeep (sign board Vergara), baba sa mismong sa school (the only high rise building to your right).
Ang training/orientation na ito ay para sa mga gustong makasama sa Gabayan 2009 sa Daet, Camarines Norte sa April 17-26, 2009 o para sa sinuman na ang interest lang ay mahasa ang kasanayan sa pag-hawak at pag-aaruga sa mga batang may kapansanan. Ang Gabayan ay isang summer camp para sa mga batang may espesyal na pangangailangan kung saan ang partisipasyon ninyo ay magdudulot ng kasiyahan sa mga batang kasama. Ang pagsama sa Daet, Camarines norte ay LIBRE.
Puwede ninyong ipasa ang impormasyong ito sa mga taong inaakala ninyong interesado o di naman kaya, i-print mo pati attachment at i-post sa bulletin board ninyo.
Kung di naman kayo available, baka puwede kayong magdonate ng cash para sa pamasahe at pagkain ng mga bata. O di naman kaya ay mga pagkain tulad ng bigas at ulam na makakatulong sa araw-araw na pangangailangan ng mga bata at mga volunteers. Kung may sasakyan naman kayong puwedeng ipahiram e di lalong mas magaling. O baka type naman ninyong magbigay ng kahit anong regalo para sa mga bata katulad ng toothpaste, sabon, face towel, or storytelling books, school supplies and art materials. Puwed rin ninyo kaming ipakilala sa mga kamag-anak, kaibigan o mga kakilala ninyo sa Daet mismo.
Interesado na ba kayo? Makipag-ugnayan kay Kuya Jherrie (0917-8437758 or (02) 703-2447) o kaya kay Kuya Jonjon 561-2617 c/o AMOPDM o Ate Beng sa (02) 485-2498 para sa mga katanungan ninyo o sa ilan pang mga detalye. Puwedi rin kayong mag-email sa guideinc@hotmail.com para sa inyong reservation. Please see attachments for details.
Aasahan po namin kayo.
GUIDED AND UNIFIED INTERACTION FOR
THE DEVELOPMENT OF CHILDREN, INC.
2008 National Outstanding Volunteer – Individual Category, PNVSCA
2007 National Outstanding Volunteer Organization, PNVSCA
2003 Finalist, Ten Accomplished Youth Organization, NYC


